Swero-latables: Through and Through

Hindi mo kailangang i-insert pati needle kapag in ka na kasi baka mag-bulge ka. Dahan-dahan mong, i-retract yung needle habang pinapasok mo yung mismong cannula. Pero support pa rin yung needle mo.

‘Di ko ine-expect na pati pala sa paglalagay ng swero / pagtusok ng ugat ay may relatable ‘some things’ sa ating buhay.

‘Di ko din alam kung bakit biglang nag-paradigm shift yung utak ko pagkatapos akong turuan mag-swero ng mga the best kong seniors. (¬‿¬) Hahaha!

*

Ang buhay parang ugat. Fragile.
May buhay na putukin o mabilis mawasak ng pagkakamali. Konting push lang sa isang bagay, puputok na.
May buhay na lubog o hindi makaahon-ahon kahit anong pilit mo. Iniipit mo na’t lahat ng ipon mo, lubog pa din.
May buhay na dapat pitikin o dapat may konting push. Para kahit papaano, umahon-ahon naman.
May buhay na manipis o may taning kaya dapat special ang turing mo. Para kung may pagsubok, ‘di puputok.
May buhay na kitang-kita o walang kaproble-problema. Isang push, wala pa ding problema.

Ang karayom na pantusok sa ugat parang pagsubok. Various.
May large bore. Sa sobrang laki, magugulat ka at ‘di ka na talaga magiging at ease.
May neoflon. Parang baby sa liit yung problema pero ang hirap naman i-retract.
May autoguard. Ang hirap hawakan at ang hirap lusutan pero once hit ka na, isang pindot lang lutas agad ang problema.
May old style. Ginulo ka na ng problema, may karayom kapang iintindihin.

/sighs
Minsan, sa mga araw-araw mong ginagawa, may matututunan kang aral. May makikita kang ‘swero-latable‘ sa buhay mo.

Minsan kasi, sa dami ng pinoproblema mo, ‘di mo na makita yung tunay na essence ng pagiging ugat mo, ng pagiging isang buhay na tao mong kailangang mamuhay ng tuluy-tuloy ano pang karayom ang dumating sa buhay mo.

 

Dito, aakalain mong in ka. Pero out pala. Aakalain mong okay ka, pero bulge pala, malas. Minsan pa, kontrolado mo na yung problema kaso ‘di maayos ang pagkakadikit mo o pagkakahawak mo kaya babalik na naman yung problema, ma-out ka pa. O kaya naman, okay na, hawak mo na yung problema, may magwawala at palalakihin yung problema dahil nasaktan mo din sila.

Kaso ganyan ang buhay e. Parang yung pagkakaimbento ng mga gamit sa swero. May purpose, may plano. May sakit, may panahon ng walang ginhawa.

Pero sa mga experiences, natututo ka. Nalalaman mo ang mga techniques ng buhay. Kung paano ka tutusok para malutas yung problema. Kung paano ka aanggulo para swak ka sa buhay mo. Kung paano ka magdidikit ng tape para ma-patch up mo lahat ng laylay na kable sa buhay mo. At once na okay ka na, flowing ka na. Regulate mo na lang kung gusto mong fast paced ka o chill-chill lang. Fast drip o keep the vein open, you decide.

At sa ganitong paraan, imo-monitor mo na lang yung buhay mo. Kung mamamaga ba o magkakaproblema ka ulit? Kung makakaramdam ka ulit ng hapdi o sakit? Kung magdedecide ka na kung mag-change fluid ka o life path? You. decide.

At kung oo, may karampatang consequences yan. Baka magka-side drip ka o gumawa ng ibang alternatives. Baka mag-inject ka ng something new sa buhay mo para maging maganda yung system of life mo. O baka, you really do not want this life choice you’ve started kaya magtutusok ka ulit which means new problems, new choices. Pero one thing is for sure, may ways ka na to keep your regulation flowing at maging in sa sariling buhay mo.

Oo, same na kailangang pumili ng magandang ugat. Yung long-lasting. Yung any tough challenges masu-surpass mo. Pero take note, ang difference, you only have one life, you know?

Kaya dapat, prepared ka with the materials of your life. Dapat magamit mo yung mga ways and techniques na na-gather mo. Kaya dapat, hindi ka sumusuko. Focused ka at positive. May sarili kang decision sa kung ano ang tamang ugat na tatahakin mo. At if ever, may mali sa napili mo, pumutok, hindi talaga in, o kung ano man ang problema, alam mo pa din kung paano mag-troubleshoot.

Para sa end of life mo, doon ka lang magsasabi ng, “IV out po.” ( ̄ー ̄)

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s