Tanggalin ang gapos ng abusadong kapangyarihan.

Halu-halong kultura sa isang bansa pinag-isa,
Sa kadahilanang ito’y kung kani-kaninong kontrol initsa-itsa.
Isa sa pinakamayamang bansa kung natural ang pag-uusapan,
Isang daan at labing anim na taon ang kasarinlan.

Ika-labing dalawa ng Hunyo ang importanteng petsa.
Dahilan ng kung ano man ngayon ay ating tinatamasa.
Ang importansiya ng araw na ito sa karamihan,
Meron pa nga ba o ito’y araw na lamang na ibibigay sa pook-pasyalan?

Ngayon ay mayroon tayong sandamakmak na kinahaharap.
Mga rason kung bakit mayroong pagyabong ng mga mahihirap.
Kailan nga ba matatapos ang pagtuturuan?
Dahil para namang hindi tayo nakakamit ng kalayaan.

Tambad sa balita ang sumingaw na kakurakutan.
Kaya naman lahat ng nasa posisyon ay may tinatagong katakutan.
Ngunit simula pa ito noong mga nakaraang nakaupo,
Pero yung isang silid-aralan sa balita kanina matagal nang sira nakapanglulumo.

Masyadong lantad ang mga kamalian.
Kahit naman walang paglilitis tumingin ka lamang sa paligid ay masisilayan.
Mga kwentong puno ng kasinungalian at kadumihan.
Ng dapat na mga taong nagprepreserba ng kalayaan.

Tayo ay bumangon at hindi lamang panandalian.
Dahil ang pagbabago ay hindi nakukuha sa isang upuan.
Alalahanin ang kalayaang pinaglaban ng mga pwersa ng kabayanihan.
Upang tayo ay tuluyang makaalpas sa gapos ng mga may kasalanan.

At sa Araw na ito ng Kalayaan.
Naisip ko ang dalawang kaalaman.
Ang tunay na kalayaan ay may responsibilidad.
Hindi abuso ang tumatambad.

Ang Pilipinas ay may ungos na tinatago at sa maling pamamalakad ito ay naglalaho. Itinatag ang kalayaan noong 1898, kaya naman tayo ay magtulungan para sa diwa ito ay tuluyang makamit!

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN, PILIPINAS!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s